NiTos-On-EaRtH

Tuesday, October 30, 2007

SAVING FOREVER

CHAPTER I

“Oh, my god …I’m late ...” halos takbuhin na ni Lian ang hallway ng College of Economics, Management and Development Studies o CEMDS ng eskwekahan. It is already 9:15 am and her class starts at 8:30. Di man ganoon kaaga ang klase niya, siya naman ang tinanghali ng gising. Alas kwatro na kasi ng umaga nang umuwi siya galling sa “Nighspot”. Isa itong disco hip hop bar. She is a regular dancer in that particular bar. Dahil na rin sa sobrang pagod kaya hindi na gumana ang ingay ng alarm clock sa kanya.

She reached her room. She slowly opens the door. Nakasara ito dahil air-conditioned ito.

“At the turn of the century, the most notable organizations were large and industrialized.” Narinig ni Lian ang discussion ni Mr. Salcedo. Management 101 ang subject nila noong araw na iyon. She was already on the graduating batch pero binabalikan pa rin niya ito. Naiwan niya ang subject dahil conflict ito sa kanya. Madali ang subject kung tututuusin pero dahil sa laging late at minsan nga ay absent pa kaya bumagbagsak siya.

She slowly walked towards her seat nang marinig niya ang boses ng professor niya.

“Good Morning Ms. Adriatico!” bati pa sa kanya ng professor.

Napapikit si Lian. Hindi siya agad nakakilos. Sermon na naman ang bagsak niya. Unti-unti pumihit siya paharap ng classroom at pilit ngumiti sa guro.

“G-Good morning, sir” kinakabahan niyang sagot.

“Is your alarm didn’t work again?” sarcastically he asked.

“ah . .I’m..” hindi alam ni Lian ang isasagot.

“Don’t bother, just take your sit” and he how turned to the class and continue.

Nagkasya na lamang si Lian na tahimik na umupo sa upuan.

“Often they included ongoing, routine tasks that manufactured a variety of products. The United States highly prized scientific and technical matters, including careful measurement and specification of activities and results. Management tended to be the same. Frederick Taylor developed the: scientific management theory” which espoused this careful specification and measurement of all organizational tasks. Tasks were standardized as much as possible. Workers were rewarded and punished. This approach appeared to work well for organizations with assembly lines and other mechanistic, routinized activities.” Mahabang paliwanag ng guro at manaka nakang tumitingin ito sa gawi niya. At alam ni Lian na mamaya siya nito aambunan ng sermon.

Mr. Salcedo is not just a professor for her. It is right to say that they are kindred. He is her cousin. She strangely looks at him while discussing the subject. Magaling ito. Anak ito ng kanyang Aunite Felis. Kapatid ng daddy niya. Si Alexis Adriatico. A big and powerful business tycoon in the country. Her family owns the biggest TV station. But that fortune never got her interest. Ang totoo ay hindi siya malapit sa sariling ama. They may live together in one roof, pero madalang pa sa ulan kung mag-usap sila. But her kuya Mart was different. Close siya dito. Mas pinakikinggan niya ito. Her life was open to him like a book cover to cover. Kahit ang pagtatrabaho niya sa bar ay alam nito, even the reason behind it.

Habang tumatakbo ang oras ay tumatakbo rin ang ulirat ni Lian sa sobrang antok at pagod. Hindi niya masyadong natutukan ang lecture ng pinsan niya.

Tumingin ang guro sa relo nito at nagsimulang ligpitin ang gamit.

“Class, we will be having an exam on the next meeting. Have a good day, guys.” at hudyat iyon upang magsimula nang umalis ang mga estudyante. Naiwan ang guro at siya naman ay palabas na ng pinto nang tawagin siya nito.

“Not now kuya Mart. May klase pa ‘ko.” She said desperately. Bukod sa padog pa siya ay maiinis na naman siya apgsesermon nito.

Lumapit ito sa kanya.

“Look Lian. I don’t see any reason on what you’re doing.” Sab nito habang hawak ang gamit nito sa kaliwang kamay.

Huminga nang malalim si Lian. This is exhausting for her. Pati ba naman ito ay aawayin na rin siya?

Nagpatuloy ito. “If you want to pursue that, you can ask uncle for a break. I think you’re forgetting that you own a TV station.”

Naglalakad na sila sa hallway noon. Patuloy pa rin ito ng sermon.

“I am not on any plans of asking anything from him. Whatever favors it is. Nakakaya ko naman eh.” She said with bitterness. Hangga’t maaari ay kahit ang pagtira niya sa bahay ay bayaran niya para walang masabi ang papa niya ay ginawa na niya.

“Lian, it is not reasonable.”

“And what is reasonable?” sabi niya sabay harap sa pinsang guro. Panaka nakang may tumitingin sa kanilang mga estudyante. Marahil ay iniisip ng mga ito na nakiki-usap na naman siya sa pinsan na malusutan ang gusot na kinasangkutan niya. She has this reputation of getting involved in troubles and problems. Para siyang teacher’s enemy no.1 kung ituring sa eskwelahan iyon. And she doesn’t care about that.

“I will not tolerate any of these Lian.” Mahigpit nitong sabi sa kanya.

“Kuya please.” Paglalambing niya rito.

“No. Look at you. You look some kind of drug addict bitch.” Inis na saad nito.

Nagulat siya sa sinabi nito.

“Mr. Salcedo I think you are insulting me.” Nakataas ang kilay niya at nginusuan ito.

Tila naman natauhan naman ito sa sinabi at pawang bumawi.

“Okay, I’m sorry. It’s just so unfair for you. At kahit sa daddy mo. Why don’t you two talk? Maybe its time to settle everything Lian?”

Natigilan si Lian. May lungkot na sumilay sa kanya. True to her na hirap din siya sa sitwasyon nilang mag-ama. Sino ba naman ang gusto na laging kayong nagkakasamaan ng loob ng iyong sariling ama. Kahit pa noong nabubuhay ang kanyang ina ay magulo na relasyon nilang tatlo. At ngayon, it was her that suffers the footprints of the past. She’s even like the living sin of her mother. How sad on her part pero anong magagawa niya. Kailangan na lang sigurong patunayan ang sarili.

Napatingin si Lian sa malayo.

Napansin ni Mart ang pananahimik niya.

“Lian, I love you so much kaya ko nasasabi ang mga ito. But I can’t just sit and watch you both dwell and drown by that stupid gap.” Saad nito at niykap siya.

At hindi na napigilan ni Lian ang sarili. She realized herself crying over her cousin. Dala ng pagod at sama ng loob, she feels lost and alone at ito lamang sa ngayon ang masasandalan at maaaring pakinggan. She doesn’t a brother or sister that’s why it is not hard for her find comfort and love form Mart.

Kumalas siya sa yakap nito at pinahid ang luha. Sa ngayon ay medyo maayos na siya.

“Still, a cry baby as aver.” Natatawang saad nito sa kanya.

She chuckled. Habang pinupunasan ang pisngi ay mahina niya itong sinuntok sa may dibdib.

“Shut up will you.” She said.

Kunwari pa itong nasaktan at hawak-hawak ang dibdib.

“Let’s go, you’re going to be late for the next class.”

Umakbay ito sa kanya at naglakad. She laid her head on his shoulder.

“By the way, are you well compensated in that bar?” tanong nito nang marating nila elevator.

“Yup, allowance lang naman ang kailangan ko eh. At saka, maraming potential sponsors dun. Konting bola at paliwanag, kakagat din ang mga ‘yun.” Magkaharap na sila sa harap at naghihihntay sa pag-akyat nito.

“I’m really worried. People there are hookers. Yes, they are rich but most of them are maniac. Papayag silang magsponsor in place of maybe a one night stand with you.” Deretso nitong sabi sa kanya.

She raised her eyebrows and looked at him straight.

“Look at me.” Sabay hawak sa baba nito pero mabilis na inalis nito ang kamay niya.

Binawi niya ang baba nito at muling hinawakan.

“I said look at me.”

At tumingin ito sa kanya.

“Now, do remember this face. Payag ako na sirain mo ito kapag ginawa ko ang sinasabi mo.” Saad niya habang itinuturo ang sariling muhka.

“Then stop it!” at tinabig nito ang kamay niya.

“No, I will not.”

At bumukas ang pinto ng elevator.

“This is my dream, and is my happiness. So, I will not let anyone even you or dad comes my way.”

Mariin niyang sabi at pumasok na sa elevator. At naiwang nakatingin ang guro sa kanya.

Hanggang alas tres lamang ng hapon ang klase ni Lian noong araw na iyon. Uuwi na muna siya upang makatulog kahit sandali. Alas otsong gabi pa naman ng gabi ang pasok niya sa bar. Sa katunayan ay kalimitan na mga alas diyes ng gabi ang set nila pero pinapapunta sila doon ng maaga para mag-ayos. Isa si Lian sa resident dancer ng bar. It was purely professional. Ang trabaho nila ay sumayaw sa stage kapag “hot time” na. Apat sila at pawang mga kaibigan niya ang mga ito. Hirap man ay pilit kinakaya ni Lian. And besides, this is what she wants. Aspiring performer si Lian. She loves to sing and dance. Nakahiligan niya ang music lalo na ang R&B. It was not surprising because her late mother is an actress kaya masasabi na nasa dugo ni Lian ang mahilig sa ganitong craft. The only difference is their attitude.

“Manong, white plains.” Sabi niya sa driver ng taxi na napara niya sa harap ng university.

Nakapikit si Lian habang byahe pero kahit paano ay gising ang diwa niya. Mahirap na dahil hindi siya nakakasiguro sa iniisip ng driver. Sanay siya sa kalye at marami na sa panahon ngayon ang kakapit sa patalim mabuhay lang. Nasa ganoong posisyon si Lian ng tumounog sa cellphone niya.

“Hello.” Nakita na niya ang pangalan sa screen.

“Lian, makakapunta ka ba dito. May sakit si Maki hinahanap ka.” Sabi ng nasa kabilang linya.

“What? . .ah ok sige. Daan na lang ako dyan mamaya. Anong sakit?” nag-aalalang sabi ni Lian.

“Ang taas ng lagnat eh. Sabi ng doctor virus daw. Baka daw sa kinain” sagot nito.

Napabuntong hininga si Lian. Kahit kalian kasi ay malimit kung anu-ano ang kinakain ng batang si Maki.

“ok, relax. I’ll be there.” Sabi niya.

“Thanks, honey.” Sagot naman nito.

She turned off the phone and held it back at her bag. That is Monique. Owner of Happy hearts Village. It is a non-profit organization who helps street and less fortunate children and teens. It caters proper and basic education and skills development. Tumutulong ito dahil ayaw ng organisasyon na malulong sa masamang bisyo at gawain ang kabataan. She had been active on helping for almost four years now by giving the children basic dancing lessons. She became so soft hearted to these people because she treats herself an orphan. Dito niya nakita ang isang pamilya na hindi niya nakilala sariling bahay.

Nakilala niya si Ms. Dominique nang makabangga niya ito isang gabi. Tumatakbo siya noon dahil nagkariot ang pinintahan niyang battle of the band. Hindi na niya alam kung nasaan ang mga kaklase kaya nagkasya na lamang siyang tumakbo palayo.

“I’m sorry.” Naalala pa niya lahat.

“I’m fine.” Sagot naman nito sa kanya. Ngunit nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. “Are you all right? Parang may humahabol sa’yo. May nangyari ba?” tanong nito sa kanya.

“No, I’m okay.” Tanggi niya kahit na hirap na siyang huminga. Lian is suffering from asthma ever she was five.

“You don’t look alright. Halika pasok tayo dito.” Sabay akay sa kanya at pumasok sila sa loob ng restaurant kung sila nagkabangga.

And the rest is history. Ms. Dominique becomes a very dear friend to her. Hind nalalayo ang edad nito sa kanyang ina. She is the wife of Senator Allan Dela Rosa. Hindi magkaanak ang mga ito kaya iniukol na lamang ang panahon sa pagtulong sa iba. They even treat her as their daughter.

Pumasok na sa subdivision ang taxing sinasakyan ni Lian. Huminto ito sa tapat ng malaking itim na gate. Binayaran agad ni Lian ang driver at tumuloy na siyang pumasok sa bahay.

“Magandang hapon, Lian.” Bati sa kanya ng katiwala na nagbukas para sa kanya.

Nginitian na lang niya ito. Hindi siya napapatawag ng “señorita” o “maam” kung matanda din naman sa kanya ito. She hates to be treated like gold.

Deretso na si Lian sa kanyang kwarto. At isa lang kailangan niya ngayon. Ang tulog.

It is seven thirty in the evening. Lian is now in front of her wooden dresser. Handang umalis papuntang bar si Lian pero dadaan muna siya sa village. She is wearing a jeans and a white tank top. She put her tranquilizer as the last piece for her bag.

Pababa siya ng hagdan ng Makita niya si Peggy. Ito ang secretary, personal assistant ng kanyang mommy noong buhay pa ito at artista.

“Where are you going?” Tanong na salubong nito sa kanya. Noong mamatay ang mommy niya three years ago, nagpasya itong umalis na ng bahay ngunit pinigilan na daddy niys. Kung maaari ay siya na lamang ang alagaan nito. At tinupad naman ni peggy iyon.

“Work.” Simpleng sagot ni Lian. Lalampasan na sana niya ito ng hawakan nito ang kanyang braso.

“Not so fast, young lady. Napapansin kong lagi kang umaalis ng bahay kahit gabi. Anong pinagkakaabalahan mo?” tanong nito sa mahinahon ngunit nagbababalang tinig.

Naumid ng bigla si Lian. She doesn’t know what to say. If she would lie or just tell her the truth. Naging mabait ito sa kanila at alam nito ang pinagdadaanan ng pamilya niya.

“Bukas na lang tayo mag-usap auntie.” Mas mabuti pa sigurong sabihin na niya rito. Wala namang masama. Hindi naman bawal ang ginagawa niya.

Bumitiw ito sa kanya.

“Don’t mess up with dad. Dumating na siya at hahanapin ka niya mamaya.” Banta nito sa kanya.

Napatingin si Lian sa taas na dreksyon ng bahay na pawing nakikita niya nag kanyang ama. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Peggy.

“Ikaw na munang bahala.” Kung hindi lang siya nagmamadali ay baka sinabi na niya ang nais nitong malaman.

Lumabas na ng bahay si Lian habang tanaw lang siya ni Peggy. Paglabas ng gate ay sumakay na siya taxing nakaparada na tinawagan niya kanina.

Sa loob ay nakamasid pa rin si Peggy sa nakasarang pinto. Nag-aalala siya para kay Lian. Masyado na itong lumalayo sa ama. Noong pa mang nabubuhay si Virna ay hindi na maganda ang pagsasama ng tatlo. Magaling lamang magtago ang mga ito. Saksi siya kung paano nagsimula ang gulong pinasok ng alagang si Virna. Noon pa man ay may ugali nang primadonna si Virna. Lahat ng gustuhin nito ay nakukuha. Kaya nang magdesisiyon itong mag-artista kahit ayaw ng mga magulang nito ay walang nagawa. Until the time when Virna’s interest was put on test nang makilala niya ang boyfriend ng kapatid na si Margarita. It was Alexis. Ang father ni Lian. It was like a love triangle in a romantic movie. Aminado si Virna na sa unang pagkakataon ay hindi nito napa-ibig ang lalaking kauna-unahang minahal. But Virna is Virna at gagawin nito ang lahat makuha lamang ang lahat ng inaasam.

Nang panahon na nagkakaproblema sina Alexis at Margarita ay doon umeksena si Virna. Nakipag kaibigan ito sa lalake. At dahil sikat ay kung anu-anong tsismis ang kumalat at nabalita pa na si Alexis ang bagong boyfriend ni Virna. Nakarating it okay Margarita at sa mga magulang ng mga ito kaya nagkaroon ng komprontasyon. Everybody thought it was over. But Virna was determined to pocket Alexis away from margarita. Margarita is one hell of a beauty and brain. Virna is pretty but it can’t be denied that Margarita is more stunning than her.

And one particular night that changed everybody’s life happened when Virna seduced Alexis in his condo and what shouldn’t happen took place. Mabilis ang mga pangyayari. Nabuntis ito at kumalat ang malaking eskandalo sa pamilya nito. Margarita was devastated by the news. Nadesisyon ito na umurong sa plaong kasal kay Alexis at walang nagawa ang lalake. The whole world’s symphaty was in Virna. Masyadong naging publiko ang bawat detalye. At walang nagawa ang lahat ng mangyari ang kasal na nagpabago sa bawat buhay ng nasa loob ng bahay na iyon.

And now that Virna was gone, It was Alexis and Lian suffered the unwanted relationship. Halos hindi magkakilala ang mag-ama. Lian don’t have anything to do with the situation but she can’t even blame Alexis. Kahit ito ay nakulong sa isang pagkakamaling hindi na naitama. He became more workaholic and snob.

Napaupo si Peggy habang malalim na nag-iisip. Masakit para sa kanya na makita ang mga itong nagkakagulo.

Hindi na namalyan ni peggy ang pagbaba ni Alexis sa hagdan hanggang lumapit ito sa kanya.

Tumikhim ito at napamulat si Peggy.

“Oh, hindi na kita namalayan.” Sabi niya at umyos ng upo.

“I saw my daughter left a while ago.” Tanong nito na umupo na rin sa katapat na sofa.

“She said she’s just going to attend a party.” Pagtatakip niya kay Lian.

Nagbuntong-hininga si Alexis.

“Nag-eenjoy lang ‘yung bata.” Sabi niya ang mapansin na napapalitan ng galit ang ekspresyon nito.

“Wala ba siyang plano sa buhay? Limang taon na siya College. May mga subjects pa rin siyang binabalikan. What the hell is wrong with her?” Tila mainit ang ulo.

“I need someone to take over for the company. And unfortunately, siya lang ang anak ko but I think hindi ko siya maaasahan.”

Nakahimig si Peggy ng problema sa paraan ng pagsasalita nito.

“Lian is in the graduating class this year. And she made sure na last year na niya ito.” Nais niyang ipagtanggol si Lian at mapatunayan sa ama nito na hindi ito kagaya ni Virna.

“Ngayon lang siya makakatapos. What I need is an efficient one. At walang alam si Lian na kahit ang CR ng kumpanya. Wala pa siyang experience na kahit na anong trabaho.” Sumandal ito sa sofa at pumikit.

Magsasalita pa sana si Peggy ng tumayo ito.

“I thought she’s different. Kapareho din pala siya ni Virna.” Huling saad nito at tuluyan na itong umalis.

Naiwan si Peggy sa sala na puno ng pag-aalala at panghihinayang. Sana nga lamang ay hindi pa huli ang lahat sa pamilyang kanyang pinagsilibihan.

“Manong dito na lang po.” Wika ni Lian sa driver nang tumapat sila sa isan kulay abong gate. May nakasulat na HAPPY HEARTS VILLAGE sa itaas na bahagi ng gate.

Bumaba si Lian at tumuloy sa maliit na gate.

“Good Evening, Lian.” Nakangting bati sa kanya ng guard na sumalubong sa kanya.

“Good evening din po.” Magalang niyang sagot.

“Tuloy ka na lang doon. Hinihntay ka na ni Ms. Dominique.” Sabi nito sa kanya habang isinasara ang gate.

“Salamat po.” Lumakad na si Lian.

May kalakihan ang village. Dalawang maluwang na building ito. Parehong dalawang palapag.

Bukod kasi sa bahay ay nasisilbi rin itong school para sa mga bata.

Tumuloy si Lian sa second floor sa unang building at deretso sa unang pinto. Binuksan ni Lain ang pinto at nakita niya ang babaeng nakaupo at nakatungo na pawang may binabasa na papel.

“Hi.” Paistorbo niyang bati ditto.

Nag-angat ito ng tingin at ngumiti nang makita siya.

“Pasensya ka na. Hindi ko kasi alam ang gagawin kanina eh. Nangungulit si Maki.” Sabi nito habang siya ay papalapit sa mesa nito.

“That’s fine.” Nakangiti niyang sabi rito. Wala talaga sa kanya ang pagtawag nito. Kahit na anong oras na mangailangan ang mga ito ay handa siyang tumulong. Hind na nga isya magtataka kung isang araw ay dito na siya tumira. Buong puso naman siyang tatanggapin ng mga ito.

“Thank you.” Sagot naman nito.

“Ano bang nangyari?” sumandal siya sa visito’s chair.

“Lumabas kanina sila kasama si Tina. May nakitang street food. Then ‘yun na, pinilt makabili. Pinipigilan ni Tina pero ayaw naman papigil. Alam mo naman ang mga bata.” Paliwanag nito.

“Pero hindi naman daw delikado si Maki?” Tanong niya rito.

“Well, Albert said he will be fine.” Saib nito na ang tinutukoy na Albert ay ang kaibigang doctor. Maraming prominenteng tao ang tumutulong sa village. Dahil mababait din naman ang mag-asawa.

May napansin si Lian sa ginang. Kanina lamang ng pumasok siya ay parang malalim ang iniisip nito sa hanbang nakatungo sa papel.

“May problema po ba Ms. Dom?” tanong niyang habang lumipad ang tingin niya sa hawak na papel nito kanina.

Napansin niya ang mga figures na nakaprint-out dito. Marahil ay financial matters ang pinag-aaralan nito.

“I’m studying the financial reports of the village Lian.” At tama ang hinala niya na ito ang pinoproblema nito.

“And I found some, you’re right, problems.” Pag-amin nito.

“Bakit?”

Tumayo ito at lumapit ito sa may bintana.

Sinundan niya ito ng tingin.

“The village is being demanding nowadays Lian. Lumalakas na ang mga expenses at dahil doon kinukulang na tayo financially.” Saad nito habang nakatingin sa labas ng bintana. Sigurado siyang ang playground ang pinagmamasdan nito.

“Matagal na ang village. Ngayon ka pa mag-aalala kung kaya mo?” nakangiti niyang sabi dito. Matagal na ang village at tiwala siyang kayang kaya pa ng mag-asawang patakbuhin ito.

“Yes, you’re right honey pero lumalaki ang mga bata. Nagbabago ang panahon. Bukod sa mga neccessities nila, kailangan din nating mag-update ng facilities.” Tila may bigat sa tinig nito.

“May mga sponsors naman ang village di’ba? And si Tito Allan naman pinapasa niya ang law to cover the benfits for the foundations na kagaya nito.” Tumayo na rin siya lumapit dito ngunit umupo siya sa pasimano ng bintana. Ngayon ay pareho na nilang pinagmamasdan ang playground.

“So, what’s you’re plan?” tanong niya habang nakamasid pa rin sa labas.

“Well, Kailangang palabasin na rin natin ang mga bata.” Sagot nito sa kanya.

“Ipapa-ampon mo sila?” nagulat siya sa sinabi nito.

“No.” Tila nakuha nito ang gulat niya at ngumiti nang bahagya sa kanya.

“Ang balak ko, ang mga nasa college years na kagaya ni Stephen, ihahanap ko ng scholarship. Ung mga highschool naman, kakailanganin naming kumausap ng mga schools para humingi ng supporta.” Malungkot nitong sabi.

“Sa totoo lang Lian. Hindi na stable ang village. Siguro kakailanganin natin na humingi ng bagong sponsorship. Ayoko pulutin na naman sa kalye ang mga bata.” Tila naluluha na wika nito sa kanya.

Tumayo siya upang aluin ito.

“Hey, don’t worry. May mahahanap naman siguro tayo- wait, kung gusto mo lumapit ako kay ninong Ralph. Matutulungan niya tayo.” Bigla na lamang pumasok na isip niya VP for public affairs ng TV station ng ama.

Tumingin ito sa kanya.

“Honey, kung gagawin mo yan, mapupublizes ang village.”

“Eh di mas maganda.”

“At handa ka na makarating sa daddy mo?” tanong nito sa kanya. “This is your hide out, why show this to the world?”

Hindi nakapagsalita si Lian. Walang alam ang daddy niya tungkol sa pagtulong sa niya village. Magtatanong ito kung paano siya tumutulong at makakarating din dito na nagbibigay siya ng financial support sa village. Noong una ay ayaw pumayag si Dominique dahil nag-aaral pa lang siya pero wala rin itong nagawa dahil ipinilit niya. Sa village napupunta ang allowance niya na naggagaling sa personal account na nakapangalan sa kanya na suportado ng daddy niya. Wala naman siyang tuition dahil nag-apply siya ng scholarship.Nahirapan pa nga siya dahil ayaw niyang ipaalam sa daddy niya ang tungkol dito kaya kinailangan niyang maki-usap sa adviser niya. Ito ang kumalat na balita sa eskwelahan na ang akala ng lahat ay nasangkot siya sa isang eskandalo. Malimit kasi silang makitang magkasama noon ng naturang guro. Pero ang mga miscellaneus fees ay hindi libre. Ito na ang dahilan kung bakit siya nag-tatrabaho sa bar. Kailangan niya ng extra pera para suportahan ang pag-aaral because she is not spending any single peso from her daddy. She may live in a mansion with her daddy but she is just like a normal struggling student na nakikipagsapalarang makatapos. At naghahanap din siya ng potential young professionals na pwedeng makatulong at magsponsors sa village. Minsan nga mga lalake ang nakaka-usap niya kaya kung minsan ay napagkakamalan siyang nakikipagflirt sa kanila.

Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit mabigat ang loob niyang gumamit galing sa pera ng daddy. Kung hindi nga lamang mahalay at magiging eskandalo para sa daddy ay umalis na siya sa bahay. She is still thinking his reputation. Primyadong tao ang tatay niya. Mahirap na.

Matagal siyang nag-isip. Kahit ang ginang ay walang mahanap na salita.

“Maybe we need to find some other options.” Suwestyon na lang niya.

“I guess.” Tumalikod na ito at pabalik na upuan ng may kumatok sa pinto.

“Come in.” sabi nito habang umuupo sa silya nito.

Bumukas ang pinto sumungaw ang dahilan kung bakit siya pumunta ng araw na iyon. Pumasok ang isang nasa anim na taon na batang lalake. Nakapantulog ito at halatang bagong gising.

“Maam Dominique.” Tawag ng bata.

“Hey there, boy!!.”Hindi na niya hinintay na makalapit ito. Siya na ang tumakbo dito at sabay karga kay Maki.

Nagpakarga naman ito. She went back to Dominique’s place while Maki’s head resting on her shoulder. The kid looks pale.

Umupo ulit siya sa visitor’s chair with Maki on her lap.

“How are you feeling?” tanong niya sa bata.

“Not well.” Mahinang sagot nito.

Nanginigting tumingin siya sa ginang. Nakangiti rin ito at nailing na lumapit sa kanila. Umupo ito sa katapat na upuan at sinapo ang noo ni Maki.

“He’s still hot. Pero bukas baka ok na yan.” At sumandal ito sa silya.

“Maki, bakit umalis sa kwarto mo? You should be resting right now.” sermon niya rito.

Bahagya siyang tiningala nito.

“Sabi ni Maam Dominique pupunta ka pero nagising ako wala ka naman kaya pumunta dito.” Sagot nito sa kanya.

“Well, andito na po ako.” Sabi niya at tumayona siya upang ihatid ito sa kwarto.

“Dalhin ko na muna sa kwarto.” Paalam niya kay sa ginang.

“Okay.” Sagot nito na tumayo na rin.

Palabas na siya nagn marinig ang boses nito.

“Sa tingin ko, hindi ka makakauwi ngayon.” Sabay nguso kay Maki.

Napangiti si Lian. Sabay tango.

“Sa tingin ko nga.”at tumalikod na siya rito para lumabas.

Narating ni Lian ang kwarto ni maki. Kumatok siya at bumukas ang pinto.

“Ate Lian!.” Sigaw ni Charlotte. Kasintanda ito ni Maki.

“Shhh.” Saway ni Lian sa bata.

“Is he asleep?” halos pabulong ni Charlotte. Ito na yata ang pinakamakulit na batang nakilala ni Lian.

Dinala ni Lian si Maki sa kama nito. At nakasunod pa rin si Charlotte pati na ang ibang bata.

“Behave kids, Maki is sick.” Sabi niya sa mga bata habang kinukumutan si maki.

“Ate Lian, dito ka ba matutulog?” pangungulit ni Charlotte sa kanya.

“No. I have work to do.” Sagot at hinarap ito habang nakaupo sa gilid ng kama ni Maki. Tulog na tulog na ito. Ang ibang mga bata ay nakamasid na rin sa kanya.

“Sa ganitong oras?” mukha talagang yatang hindi siya titigilan nito.

“Opo.” Sagot niya.

“Eh, di ba nag-aaral ka, bakit nagtatrabaho ka?” tanong nito sa kanya habang nasa harao niya.

Natawa si Lian. Talagang hindi ito makontento sa konting sagot. Ginulo niya ang buhok nito.

“hmmp, kulit mo talaga.” Tumayo na siya at palabas na ng kwarto nang humawak sa kamay niya si Charlotte.

“Hatid na kita, baka maligaw ka.” Sabi nito sa kanya habang nakatingala sa kanya.

Natawa nang malakas si Lian. Sa lahat ng mga batang naroroon ay ito lamang ang kumakausap sa kanya at si Maki. Ang iba kasi ay naiilang sa kanya. Suplada kasi siyang tingnan hindi kakausapin.

“I’ll be fine. Now, go to your bed and sleep. Baka bukas ikaw naman ang may sakit.”

“Hindi no! kaya naman kasi nagkasakit si Maki kasi matakaw siya.” Sagot nito ng nakanguso.

Nailing na lamang sya dito

“Sige na. malalate na ako sa work. Go.” Pagtataboy niya rito.

Wala na itong nagawa at nakuha na lamang na lumapit sa ibang bata.

At lumabas na siya ng kwarto. Hindi na siya dadaan sa office ni Dominique. Siguradong gagawa ito ng dahilan para hindi siya makapasok. Hindi rin ito sang-ayon sa pagtatrabaho niya sa bat tulad ni ng Kuya Mart.

Paglabas niya ng building ay nakita ang guard at bumati dito.

“Ingat, Lian.” Bilin ng butihing gurad sa kanya.

“Opo.” Magalang na sagot nita rito.

Alas nueve pa lang. Makakahabol pa siya sa show. Kailangan niyang pumasok. Dahil baka sa mga susunod na araw ay hindi na muna makakapasok. Kailangan na muna niyang asikasuhin nag mga bagay na naisip niya kanina habang kausap si Dominique.

Ito na ang pang-apat na beses na sumakay at bumaba siya ng taxi ng araw na iyon.

Pumasok siya sa bar na pinagtatrabahuhan. Isa ang “Nightspot” sa mga sikat na bar Libis.

Marami-rami na ang tao nang dumating siya. Gumilid si Lian sa may kaliwang bahagi ng bar. Dumeretso siya sa isang maliit na hallway at pumasok sa unang pinto.

Pumasok si Lian sa nagsisilbing dressing room nila sa bar. Nakita niya si Cleo. She was wearing a black running short, stockings underneath and a pink tank top. Nakamake-up na ito.

“You’re late silly girl.” Nakaniting sabi nito sa kanya habang hawak ang head set nito.

“Traffic.” Napapangiti niyang sagot dito.

She passes by her, open her bag and started to change.

“Can you help me with this?”Inabot niya rito nag make-up kit. She is really not good in doing make-up.

“I’ll do it.” Napalingon sila sa pinto at naroon si Cassie. She is the sexiest in the group.

Kinuha nito ang kit nang makalapit sa kanila. Umupo siya at sumunod ito sa tapat at sinimulan siyang lagyan ng make-up.

Ang “Nightspot” ay isa mga sikat na hang out ng mga kabataan, yuppies and socialites. Ang this is not a cheap bar na makikita mo sa mga sexy films na may lalaking nag-iinuman at may babaeng nakatable sa mga ito. It is more on hip hop bar.

“Where’s Amber?” tanong ni Cleo kay Cassie. Inalis nito ang head set at naki-alam na rin sa kit niya para magretouch.

Nakaharap ito salamin nang sagutin ni Cassie.

“Nandun’ may pinapagalitang customer. Bastos kasi.” Sagot ni Cassie.

Amber is actually the owner of the place. Pero isa ito sa kanila. Amber is the daughter of Calos David. A famous movie director. Mahilig talaga ito sa business pero passion rin nito ang pagsasayaw.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang magandang babae na galit na galit.

“Stupid senseless men!.” Sigaw nito nang maisara ang pinto.

“Hey, relax.” Saway niya rito. Sikip sa buong kwarto ang boses nito.

Malalim ang naging pagbuntung hininga niya at nagsalita.

“Don’t mind me. Are you girls ready?” Maraming tao ngayon at hinahanap na nila tayo.”medyo malumanay na ang tono nito.

“Oh. Mukhang sumisikat na tayo.” Napahawak sa dibdib na wika ni Cassie.

“Okay na ba ako?” Tanong niya kay Cassie nang sa tingin niya ay walang na itong balak ituloy ang ginagawa.

“Yeah, kahit naman di ka na magmake-up.” Nakangiting sabot nito at iniligpit na ang mga gamit niya.

“Alright, let’s go girls.” Pumapalakpak na sabi ni Amber.

“Hoy Cleo, baka maubos na ‘yang lipstick sa kalalagay mo.” Saway ni Cassie dito.

Sumunod naman ito at ibinalik kay Lian ang lipstick.

“Sorry.” Sabi nito sa kanya dahil sa paggamit nito ng gamit niya.

Napangiti lang siya dito.

Lumabas na ang tatlo at naiwan si Lian. Humarap muna si Lian sa salamin at dumukwang sa kanyang bag. Kinuha niya ang kayang tranquilezer at itinapat sa bibig. Kailangan niya ito. Hindi pa alam ng mga kasama niya ang tungkol sa kalagayan niya. Siguradong mag-aalala ang mga ito kapag nalaman nila na matagal na siyang may asthma.

She hides the thing back in her bag and went out the room.

Paglabas ni Lian ay nakita niya na tama si Amber. Marami ngang tao noong gabing iyon.

Lian slowly walked towards the stage and got shocked at the scene. All the other girls are writhing around on the bar, being ogled by men and the crowd of mean are very rowdy. This is the first time that Lian saw this kind of crowd. Matagal-tagal na rin siya sa lugar na iyon pero ngayon lang niya nakitang ganito. Lian is not used to this sort of environment but she knows it is not difficult to fit it with the other girls behaviour.

Natigil ang maingay na tugtog at nagsalita ang resident DJ nila.

“Yo yo yo, what’s up?” sigaw nito sa mic.

Nagsigawan ang mga tao bilang tugon dito.

“I know you want more so let’s get it on!” muling sigaw ng DJ.

And again the party people made noises.

The intro of J Lo’s “I’m real” was played and the four girls went out of the stage.

Lalong di magkamayaw ang sigawan lalo ng mga kalalakihan sa loob ng bar.

It seems like they are the reason of these people why they went to “Nightspot.”

The four of them started to move and groove with the music. They sway their hips and do some sexy moves. At bawat indak at galaw ng mga katawan nila ay ang pawang apoy sa bawat kalalakihang naroon.

They give them one hip hop move. Hindi sila prostitute kung tutuusin pero masisisi ba naman sila kung maging sexy at sensual sila sa mga lalaking nakakakita sa kanila.

It is not their fault. They are just doing what they wanted to do. And for Lian, may dahilan siya kung bakit siya naroon.

Puno na sila ng pawis but they just keep on going. Mas nag-eenjoy sila kapag nakakaramdam na sila ng pawis sa katawan. They exchange places on the stage at nagkakangitian pa sila kapag nagkakatingin.

And the music went to finished. They made their final pose and they received thousand of hands clapping and praising them. It felt good for Lian. Ito ang lalong nagbibigay sa kanya ng linaw na ito ang gusto niyang tahaking propesyon. She wants to perform for people. Write music and sing it aloud.

Nagbow silang apat at may iniabot na mic kay Amber.

“Thank you and please watch out for our next set.” Humihingal pa nitong saad sa crowd.

Music went loud and people started to dance on the dance floor.

The three girls join some of circle of the socialites and Lian went back to the dressing room.

Kinuha agad ni Lian ang tranquilizer sa bag niya. Hindi naman sa lagi siyang sinusumpong pero marahil sa puyat at pagod ay masyado nang natagtag ang katawan niya. But what happened a while was fun for her. She feels so satisfied. Ganoong adrenaline ang gustong maramdaman ni Lian. What more if she is already performing her own composition?

Nasa malalim siyang pag-iisip ng pumasok si Cleo.

“Girl, may naghahanap sa’yo.” Sabi sa kanya nito habang nakadungaw lang ito sa pinto.

Nagtaka si Lian. Sino naman ang maghahanap sa kanya?

“Hooker ba?” tanong niya kay Cleo. Alam na nito ang ibig niyang sabihin.

“Ahm. I’m not sure. Pero he is soooo gorgeous! Halika na.” malanding sabi nito at yaya sa kanya.

Naguguluhan man ay lumabas na rin si Lian. Gusto niyang malaman kung sinong naghahanap sa kanya.

Nakasunod si Lian kay Cleo na bumalik sa loob. Itinuro sa kanya ni Cleo na nasa may lounge ang naghahanap sa kanya.

May kakaibang naramdaman si Lian nang tingnan niya ang direksyon ng lounge. Dahil sa dami ng tao kaya hindi niya masyadong makita ang taong sinasabing naghahanap.

Nagbuga siya ng hangin bago tunguhin ang lounge. Nilingon niya si Cleo para lamang makita na magkakasama na ang tatlo at nakatingin sa kanya. Panay nakangisi ang mga ito. Amber even gave her a thumbs up.

Naiiling na lamang si Lian habang tinungo ang lugar.

Paglingon niya ay nakita niya ang taong sa lahat ng pagkakataon ay nagpapakaba sa kanya. In just one stare, her heart beats so fast. Pakiramdam ni Lian ay susumpungin siya ulit ng asthma. Gustong sabunutan ni Lian ang sarili dahil ni hindi niya naigalaw ang mga paa.

Nakita siya ng taong naghahanap sa kanya. Hindi ito ngumiti na sa pakiwari’y hindi siya gustong makita nito.

Mukhang napuna ng lalake na hindi siya lalapit o mas tamang sabihing hindi siya makalapit dahil sa panginginig kaya ito na ang lumapit sa kanya.

The man wears a green and white stripe polo shirt, a faded jean and sneakers. He looks so casual. Parang hindi ito executive ng isang higanteng kumpanya.

“Oh, God! Anong ginagawa niya dito? anang isip ni Lian.

Nakatingala si Lian habang tinititigan ang lalake nang makalapit sa kanya.

“What are you doing here?”pagalit na sabi nya sa lalake. Kailangan niyang magalit upang maitago ang tunay na nararamdaman.

“Hindi ikaw ang ipinunta ko dito. It just happen that I saw you showing off ealier.” Sagot nito sa kanya na halos bumulong lang.

“Pinatawag kita para pagalitan. Alam ba ng daddy mo ang ginagawa mo ha.” May bahid na galit na saad nito.

Pumikit si Lian. Hindi niya matagalan ang mga titig nito. Noon pa man ay may pagtatangi na siya dito ngunit hindi magawang masabi dahil sa takot na mapahiya. Bukod doon, naiinis siya dahil sa hindi malamang dahilan ay laging galit ito sa kanya.

“Stop pestering me Ethan!” salubong niya sa galit nito nang imulat ang mga mata. Kasabay ng kakaibang sensasyon na nararamdan para dito ay ang galit sa tuwing sila ay magkakabanggga.

“I’m not pestering you. I’m just waking you up. Nilulunod ka ng mga bisyo at mga kapritso mong wala namang katuturan. Wala ka bang balak ayusin ang buhay mo?” bigla na lamang nito hinwakan ang braso niya.

“Bitawan mo nga ako!” sabay pagpupumiglas niya.

“Don’t make a scene lady.” Galit nitong lingon sa kanya.

“Ikaw ang gumagawa ng eksena. Ano bang ginagawa mo rito?”

Matagal na titnitigan ni Ethan si Lian. Siya man ay nakipagtitigan na rin dito. Hindi niya maintindihan ang lalake. Lagi na lang itong galit sa kanya peor kung tutuusin ay hindi naman sila nag-uusap.

“Iuuwi na kita.” Maya-maya ay sabi ni Ethan.

“Bakit ako uuwi? Sa oras ng trabaho? May gagawin pa ako pwede ba?” nakapamewang niyang sagot.

“What?” lalo itong nagalit at lumapit sa kanya.

Nagulat si Lian sa sinabi. Hindi na niya mababawi ito. Napaatras siya nang biglang lumapit ang lalake. They were so close. She can almost feel his breath caresses her face. Gustong mapasinghap ni Lian sa posisyon nila.

“Oo, nagtatrabaho ako dito.” Nagtatapang tapangan na lamang si Lian upang maitago ang kabang nararamdaman.

“What the hell is wrong with you?” Anong pumasok sa kokote mo at pumasok ka sa ganitong lugar?” Halos sigawan na siya ni Ethan. Pointing his forefinger on her head na parang sinsabi na ‘gamitin mo nga utak mo.’

“Wala kang pakialam.” Sagot niya at tinalikuran na niya ito. Kailangan na niyang makalayo dito. Baka mamaya ay ipagkalulo pa siya ng damdamin.

Walang nagawa si Ethan nang makalayo siya. Nakita niyang lumabas ito ng bar. Nakahinga siya ng maluwag sa kabila ng sakit na nararamdaman sa paraan ng pagtrato nito sa kanya.

“Who’s that?” salubong sa kanya ni Cleo. Kasunod nito si Cassie at Amber. Nakapagpalit na ang mga ito ng damit para sa susunod nilang set.

“Wala.” Tanggi niya sa mga ito.

“Wala? Hinahanap ka niya kanina tapos walang lang? Masyado ka namang madamot.” Sabi ni Cassie na umakbay sa kanya.

Humarap siya sa mga ito. At nakita niya na naghihintay talaga ang mga ito na magsalita siya.

“Anak siya ng business partner ng daddy ko. His name is Iñigo Ethan Munez III. Vice president of Munez Builders. 28 years of age. Gwapo pero masama ang ugali. Ano pa?” inis niyang sagot sa tatlo.

“Bakit hindi natin siya kilala?” tanong ni Amber sa dalawa.

“Kasi itinago ng isang tao dyan.” Nang-iinis na saad ni Cassie.

“Hey, hindi ko siya itinago. Ngayon lang nga kami nagka-usap. We’re not even close. Saka, ngayon ko lang siya nakita dito.” Pagtatanggol ni Lian sa sarili.

“Hindi mo kasi iniinvite, hmmp.” Kaunwa’y nagtatampo si Amber.

“Hay naku, ewan ko sa inyo.” Patamad na sabi ni Lian. Pagog na siya. Parang kinuha lahat ng pakikipag-usap kay Ethan ang natitira niyang lakas.

Umupo siya sa couch. She rested all her strength. Mukhang nahihirapan na naman siyang huminga.

“Something wrong?” Cleo sit beside her.

“I think hindi ko na kakayahin ang second set. Galing pa akong school kanina and I feel so exhausted.” Pag-amin niya.

Nagkatinginan ang mga ito na pawang nag-uusap kung papayagan siya.

“Okay, go home.” Maya maya ay sabi ni Amber.

“Okay lang?” napapahiya niyang tanong.

“But of course. I own this place. Go home and take a rest little girl.” Nakakaintindi nitong sabi kanya.

Tumingin siya sa dalawa para humingi ng permiso. Ngumiti lang mga ito.

“Thanks.” She responded with their smile.

Paglabas ng bar ay naghanap kaagad ng taxi si Lian. Mabuti na lang at pinayagan siya ng tatlo. Nahihiya man ay talagang hindi na niya kaya.

Among the four of them, she is the youngest. Cassie and Amber are already 27, while Cleo is 28. All of them are stable and happy with their chosen lives. Samantalang siya sa edad na 23 ay hindi pa nakakatapos ng kolehiyo. At her age, she must have at least a career.

Pagdaan ng isang taxi ay pinara agad ni Lian at nagpahatid sa Wihte Plains. Siguro bukas ay hindi na muna sa siya papasok sa trabaho. Siguro naman ay maiintindihan siya ng tatlo.

Ang hindi alam ni Lian ay may isang kulay itim na BMW na nakaparada at nakamasid ang taong nasa loob sa kanya.

Nakita ni Ethan na sumakay ng taxi si Lian. Binuhay niya ang makina ng kotse niya. Balak niya itong sundan. Kailangan masiguro niya makakauwi ito ng maayos. He will feel guilty kung may mangyayaring masama rito.

“Wicked brat.” Bulong ni Ethan sa sarili.

Kasama niyang pumunta sa Nightspot ang pinsang si Lord at ang kapatid nito. Wala siyang balak sumama sa mga ito ngunit mapilit si Lord. Minsan na lang silang magkita ay tatanggi pa siya. Hindi sa ‘KJ’ siya pero wala lang talaga siya sa mood. Pagod lang siya sa trabaho.

Gustong niyang magback-out nang makita niya na maraming tao roon. Everyone seems flirting and necking. Lalong pa nadagdagan ang inis niya nang makita si Lian na sumayaw sa stage kasama ang tatlong babae.

He saw Lian dancing on stage at sinisigawan ng mga tao. And most are men. Hindi malaswa ang sayaw ng mga ito. Actually, as far as his knowledge is concern, hip hop ang tema ng galaw ng apat. At they are good. Lian’s skill on that craft was great. Nakita niya iyon. Kung hindi lang niya kilala ito ay baka humanga pa siya rito. Nagrerebelde na naman siguro si Lian. She wears an off shoulder black top and a bikini top underneath at sa bawat galaw nito ay nahahantad balikat at minsa’y pati cleavage. But she seems like enjoying it at wala itong pakialam.

Matagal na niyang kilala ang dalaga. Anak ito ng kaibigan ng papa niya. Si Alexis Adriatico. Major partner nila ito sa kumpanya. Hindi nga lamang active ito sa pamamahala dahil may sarili itong kumpanya. Ang MBC 4.

The thing is, he don’t like Lian. He hates her attitude, her stuborness, and her actions.

Masyado itong pasaway base na rin sa pagkakakilala niya. Lagi nasasangkot sa gulo. Nakaalis na siya at nakabalik mula sa London ay nag-aaral pa rin ito. Hindi naman sila close nito. Ayaw niya itong kausapin. Nakakabalita lang siya mula sa daddy nito. He and her dad were very close. Nanghihinayang ang daddy ni Lian dahil sa tingin nito ay hindi maaasahan ang dalaga sa kumpanya.

Nang pumasok ang taxi sa subdivision ay saka pa lamang ito nilubayan ni Ethan. Kailangan pa niyang bumalik ng bar dahil ang paalam niya kay Lord ay sandali lang siya mawawala.

Thursday, August 16, 2007

mY pLaYLiSt




THIS CONTAINS MY FAVORITE SONGS!

Wednesday, May 2, 2007

UYAP

Natapos na ang isang bahagi
ng maghapon
Namaalam na ang haring
arawLumubog.
Sumandaling namahinga
Naghahanda upang harapin
ang susunod na pagkalinga.
Kapalit ng naglalagablab na sinag,
Lamig na hatid ng gabiMapanghalinang liwanag
ng buwanMukhang matamlay
Nagbabadya ng isangdaang luha.
Sa kinabikasan,
Uyap ay laganap
Nagyeyelong lamig
Nakakamanhid
Tulad ng pintig ng pusong
Iniwan ng katuwang
Sa pagtibok ng tunay
na pagmamahal.

Wednesday, April 18, 2007

. . i HaVe WrOtE sOmEtHiNg, pLeAsE ReAd!!

NOW THAT I AM AWAKENED

Freely interrupted,
Suffocated by time
Distance walking by me
Divided colors engaging
as I speak.


Hunted by past
Convicted to my present
Clearance of my future
Much like as a dying folklore.


Sadness and fondness
I die plainly innocent
Falling back to heaven’s arm
Farewell to my crying land.

Thursday, April 12, 2007

WeLcOmE PiPoL

i Am iNvItInG yOu aLL tO mY sIte!

My Shelf


About Me

In vacuous night I look at the sky. Vexes my faith, boiling of my senses. I scold to myself what mistake I have prevail, the saddest rite of my love, melted into pieces.